Patakaran sa Privacy ng WA Notify

Nasasaklaw ng patakaran sa privacy na ito ang WA Notify (Pag-abiso ng Washington), na opisyal na teknolohiya ng notipikasyon sa pagkakalantad para sa Estado ng Washington. Ang WA Notify ay ginawa sa pangangasiwa at pag-endorso ng Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan) ng Estado ng Washington.

Anong impormasyon ang kinokolekta at ginagamit namin?

Ang sumusunod na data ay maaaring kolektahin sa WA Notify:

  • Pag-download o pag-enable sa WA Notify.
  • Pagtanggap ng notipikasyon sa pagkakalantad.
  • Pagsumite ng code sa pagberipika o link sa pagberipika.
  • Pag-upload sa mga random na code para sa mga nagpositibong user na piniling mag-abiso sa iba.

Ginagamit ng Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan) ng Estado ng Washington ang nasa itaas na impormasyon upang maunawaan kung paano ginagamit ang WA Notify. Maaaring ibahagi ang data na ito sa DOH, mga entidad sa pampublikong kalusugan, o mga awtorisadong kinauukulan sa kalusugan. Maaari din itong gamitin nang magkakasama para sa mga layuning pang-istatistika o pang-agham. Ang impormasyong ito ay walang kasamang anumang impormasyong personal o tungkol sa lokasyon at hindi rin ito gagamitin upang makilala ang sinumang user ng WA Notify.

Upang makaayon sa hangarin ng Google at Apple, ang WA Notify ay ginawa nang may pangunahing priyoridad na protektahan ang privacy ng user. Kinukuha ng WA Notify ang mga ganitong elemento ng data, na walang lamang data na maaaring makapagpakilala sa iyo:

Mga Random na Code

  • Gamit ang Bluetooth, ibinabahagi ang mga random na code sa mga smartphone ng mga user ng WA Notify kapag malapit sila sa isa't isa.
  • Ginagawa at inii-store ang mga random na code sa iyong smartphone, hindi sa WA Notify.
  • Ginagamit lang ang mga random na code upang bigyang-daan ang WA Notify at ang iyong smartphone na alamin kung may mga posibleng pagkakalantad sa COVID-19.
  • Inii-store ang mga random na code nang pinakamatagal sa loob ng 14 na araw.

Mga code at link sa pagberipika

  • Kung magpositibo ka sa COVID-19 at makipag-ugnayan sa iyo ang isang tao mula sa iyong lokal na kinauukulan sa pampublikong kalusugan, tatanungin niya kung gumagamit ka ng WA Notify. Kung gumagamit ka nito, magbibigay siya ng code o link sa pagberipika na ilalagay mo sa WA Notify.
  • Nagpapadala rin ang DOH ng pop-up na notipikasyon at/o text message na may link sa pagberipika sa lahat ng nagpositibo kamakailan sa COVID-19 upang maalertuhan agad ng mga user ng WA Notify ang iba pang user tungkol sa posibleng pagkakalantad nang walang ibinibigay na pagkakakilanlan.
    • Kapag na-tap ang notipikasyon o na-click ang link sa pagberipika, maibabahagi ang iyong mga random na code at maaalertuhan ang iba pang user ng WA Notify na naging malapit sa iyo tungkol sa kanilang posibleng pagkakalantad nang walang ibinibigay na pagkakakilanlan.
    • Nagpapadala ang DOH ng text message na may link sa pagberipika sa lahat ng nagpositibo sa COVID-19 dahil hindi namin alam kung sino lang ang gumagamit ng WA Notify. Kung hindi ka gumagamit ng WA Notify, maaari mong balewalain ang text.
    • Ikaw ang magpapasya kung ita-tap mo ang notipikasyon o iki-click ang link sa pagberipika upang maalertuhan ang iba pang user ng WA Notify nang walang ibinibigay na pagkakakilanlan.

Mga Log ng Paggamit

  • Tulad ng halos kahit anong app o serbisyo sa internet, awtomatikong gumagawa ng mga log ang WA Notify kapag ginagamit mo ang serbisyo. Kasama sa mga log na ito ang ilang impormasyon tungkol sa iyong smartphone. Ginagamit namin ang impormasyong ito para lutasin ang mga isyu sa WA Notify.
  • Hindi kasama sa mga log na ito ang mga random na code o mga link o code sa pagberipika, at hindi magagamit ang mga ito upang iugnay ang alinmang uri ng code pabalik sa iyo o sa iyong smartphone.
  • Awtomatikong binubura ang mga ganitong log pagkalipas ng 14 na araw mula nang ginawa ito.

Data ng Analytics

  • Kung pipiliin mong i-enable ang dagdag na analytics, ibabahagi ang limitadong pinagsama-samang data sa DOH upang mapahusay ang app.
  • Kasama sa data na ito ang istatistika tungkol sa kung paano ginagamit ang app. Wala itong anumang impormasyon na magagamit upang makilala ka.
  • Maaari mong piliing huwag ibahagi ang data na ito sa pamamagitan ng pag-off sa pagbabahagi ng analytics sa app.

Batay sa pagkakagawa rito, ang WA Notify ay hindi nangongolekta ng data ng lokasyon mula sa smartphone mo, at hindi rin nangongolekta o nagbabahagi ng impormasyong nag-uugnay sa iyo o sa iyong smartphone sa mga random na code o mga code sa pagberipika.

Ano ang mangyayari kapag humiling ka ng code sa pagberipika:

Ang mga user ng WA Notify na nagpositibo sa COVID-19 gamit ang pagsusuring binili nang over-the-counter at ginawa sa bahay ay maaaring humiling ng code sa pagberipika sa WA Notify upang maalertuhan ang iba pang user ng WA Notify tungkol sa posibleng pagkakalantad nang walang ibinibigay na pagkakakilanlan. Upang makatanggap ng code sa pagberipika, dapat ilagay ng mga user ng WA Notify ang petsa ng kanilang positibong resulta ng pagsusuri at ang numero ng kanilang mobile phone. Ang device na ginamit upang humiling ng code ay ang dapat ding gamiting device para ilagay ang code sa pagberipika o i-click ang link sa pagberipika at maalertuhan ang iba pang user ng WA Notify tungkol sa posibleng pagkakalantad nang walang ibinibigay na pagkakakilanlan.

Upang hindi maiulat nang dalawang beses ang isang resulta ng pagsusuri, pansamantalang inii-store ng WA Notify ang numero ng teleponong ginamit upang hilingin ang code, sa bersyong protektado ng cryptography (nakatagong mensahe) sa loob ng hanggang 90 araw. Ang impormasyong ito ay hindi magsasama ng anumang impormasyong personal o tungkol sa lokasyon at hindi rin ito gagamitin upang makilala ang sinumang user ng WA Notify.

Kailan namin ibinabahagi ang iyong impormasyon?

Hindi namin boluntaryong kokolektahin o ibabahagi sa kaninuman ang alinman sa iyong impormasyon, maliban na lang kung pipiliin mong maglagay ng code sa pagberipika o i-click ang isang link sa pagberipika. Kung gagawin mo ito, ibabahagi ng WA Notify ang iyong mga random na code sa ibang smartphone na naging malapit sa smartphone mo. Ang code o link sa pagberipika ay hindi maiuugnay pabalik sa iyo ng sinumang walang access sa iyong smartphone. Tingnan ang seksyong "Anong Impormasyon ang Kinokolekta at Ginagamit Namin?" sa itaas ng page na ito upang malaman pa kung anong impormasyon ang kinokolekta at ginagamit sa WA Notify.

Paano namin pinoprotektahan ang iyong impormasyon?

Pinoprotektahan ng WA Notify ang mga random na code gamit ang Exposure Notification Framework (Balangkas ng Notipikasyon sa Pagkakalantad) ng Google at Apple, na may mga napakapartikular na kinakailangan tungkol sa kung paano i-encrypt at ilipat ang mga ito. Hindi inii-store o ginagawa ng WA Notify ang iyong mga random na code — ang smartphone mo ang gumagawa nito.

Ang mga karapatan mo sa iyong impormasyon

Dahil hindi maaaring iugnay sa iyo ang mga code sa pagberipika at mga log sa application nang walang access sa smartphone mo, walang paraan ang DOH upang i-access ang impormasyong ito. Dahil dito, hindi siguradong maibibigay o mabubura ng DOH ang impormasyong ito kung hihilingin mo. Ikaw ang may kontrol sa paggamit ng WA Notify. Dapat ay maaari mong i-off ang mga notipikasyon sa pagkakalantad o burahin ang mga log sa pagkakalantad sa iyong smartphone anumang oras. Bukod pa rito, maaari mong i-uninstall ang WA Notify anumang oras. Kung gagawin mo ito, mabubura ang lahat ng naka-store na random na code.